Mas pinaiigting pa ngayon ng hanay ng kapulisan ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa tala ng Police Regional Office 1, sa loob ng isang araw, nakakumpiska ang awtoridad ng nasa 26, 377.05 gramo ng hinihinalang shabu matapos ang limang isinagawang buy-bust operation, kung saan apat na mga sangkot ang naaresto.
Napagtagumpayan din ang pagdakip sa labingwalong mga wanted persons.
Nakapagtala rin ng 747 violators ng mga local ordinances, at mayroon ding 70 na mga lumabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Tiniyak naman ng PRO1 ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Rehiyon Uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments