
Muling binuksan sa publiko ng Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region (DENR – NCR) ang Las Piñas Parañaque Wetland Park na tahanan ng mahigit 150 uri ng migratory at endangered na mga ibon, bakawan, isda, at iba pang yamang-dagat.
Ayon sa DENR, masisilayan ng publiko ang iba’t ibang uri o klase ng ibon maging ang ibang klase ng isda sa naturang wetland park.
Paliwanag pa ng DENR na kinilala ang wetland park na ito ng Ramsar Convention bilang isang mahalagang wetland noong 2013, at opisyal na idineklara bilang national protected area noong 2018.
Bukas sa publiko ang Las Piñas Parañaque Wetland Park upang malaman nila ang ganda ng kalikasan sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
Idineklara bilang national protected area kayat mahalagang pangalagaan ng publiko ang kalinisin sa loob ng naturang wetland park upang tangkilikin ng maraming mga Pilipino.