Inilunsad ang libreng CT Scan para sa mga naka-admit na pasyente sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) kasunod ng pagtatapos ng first phase ng Patient Support and Administration Building (PSAB) ayon kay ITRMC Chief Dr. Eduardo Badua III.
Ayon kay DOH-Ilocos Director Paula Paz Sydiongco, layunin ng proyekto na palakasin at palawakin ang mga serbisyong pangkalusugan sa rehiyon bukod pa sa mga ipinapatayong health centers sa mga komunidad.
Umabot sa PHP118.2 milyon ang pondo mula sa hospital income para sa PSAB, na may basement parking at mga opisina sa ikalawang palapag.
Ang bagong CT scan na nasa ikatlong palapag ng outpatient building ay binili sa halagang PHP130 milyon mula sa DOH Health Facility Enhancement Fund. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣