
Cauayan City – Magsasagawa ng libreng deworming at anti-rabies vaccination ang Santiago City Veterinary Office para sa mga alagang aso at pusa sa City Hall Compound ,sa July 14, 2025.
Layunin ng programang ito na mapanatili ang kalusugan ng mga alaga at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.
Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na samantalahin ang libreng serbisyong ito dahil makakatulong ito sa kaligtasan ng mga alagang hayo.
Paalala lamang ng ahensya na siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang mga alaga bago isailalim sa bakuna o deworming.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng regular na programa ng lungsod upang mas mapalawak ang kaalaman at serbisyo ukol sa tamang pangangalaga sa mga hayop.
Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, maaaring kontakin ang hotline ng City Veterinary Office sa numerong 09563885437.