Libreng dialysis sa mga miyembro ng PhilHealth, tuloy pa rin hanggang Disyembre

115

Inihayag ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na patuloy na sasagutin ng ahensya ang dialysis ng mga miyembro nito.

Ayon kay Baleña, dahil nasa state of calamity pa rin ang bansa dulot ng COVID-19, hanggang December 19, 2020 pa ang libreng dialysis sa mga PhilHealth member alinsunod sa Bayanihan 2.


Aniya, kahit sumobra na sa 90 sessions ay pwede pa ring ma-avail ng libreng dialysis hanggang sa susunod na buwan.

Magpapalabas muli ng bagong kautusan ang ahensya para maging klaro ito sa lahat ng regional offices ng PhilHealth at maiwasan ang pagkalito.

Nanawagan naman si Baleña sa lahat ng miyembro ng PhilHealth na samantalahin ang serbisyo ng ahensya.

Facebook Comments