Libreng drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand, ilulunsad ng Manila City LGU

32

Ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang libreng drive-thru Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab testing sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ay magsisimula sa Lunes, ika-18 ng Enero, kung saan layon nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa banta ng COVID-19.


Target ng Manila Health Department (MHD) na maisailalim sa swab testing kada araw ang 100 katao.

Lahat ng mga nais magpa-swab test ay kinakailangan magpa-schedule ng appointment sa Manila Emergency Operation Center ng MHD.

Naglaan naman sila ng contact numbers para sa mga nais sumailalim sa libreng drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand:

09052423327
09983226367
09636023177
09555875976




Facebook Comments