LIBRENG EYE SCREENING PARA SA MGA KABABAIHAN SA MANAOAG, ISASAGAWA SA PAGGUNITA NG WOMEN’S MONTH

Magsasagawa ng libreng eye screening para sa mga kababaihan sa Manaoag, Pangasinan bilang bahagi ng paggunita sa Women’s Month ngayong Marso.

Ayon sa ulat ng Tourism Operations Office, bukas ang aktibidad para sa mga kababaihan mula sa pribado at pampublikong sektor, kabilang ang mga babaeng senior citizens.

Katuwang ang isang eye center sa Pangasinan, tutukuyin sa screening ang anumang problema sa paningin upang mabigyan agad ng kaukulang lunas.

Ang pagdiriwang ng Women’s Month ay alinsunod sa Proclamation No. 227 na nagdedeklara sa buwan ng Marso bilang Women’s Role in History Month.

Samantala, inanunsyo rin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pagsasagawa ng Advocacy Walk sa Marso 9 kasama ang mga partner stakeholders at duty bearers bilang bahagi ng selebrasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments