LIBRENG GAMOT SA MENTAL HEALTH, MAKUKUHA NA SA RHU 1 NG CALASIAO

Mayroon nang libreng gamot para sa mental health na makukuha sa Rural Health Unit 1 (RHU 1) ng Calasiao, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ito ng kampanya ng bayan para mapalakas ang serbisyong pangkalusugan, lalo na sa larangan ng kalusugang pang-isipan.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pasyenteng may mga kondisyon gaya ng stress, anxiety, at depression, at kasalukuyang sumasailalim sa gamutan o konsultasyon.

Hinihikayat ang mga residente na nakararanas ng mga sintomas ng mental distress na bumisita sa RHU 1 upang makapagpa-assess at makatanggap ng tamang lunas at payo mula sa mga propesyonal sa kalusugan.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal na isasagawa ang serbisyo nang may mahigpit na paggalang sa privacy at dignidad ng bawat pasyente.

Facebook Comments