LIBRENG JETMATIC PUMPS, IPINAMAHAGI SA 70 HOUSEHOLDS SA BAYAN NG MANGALDAN MULA SA LGU

Nakatanggap ng libreng jetmatic pumps ang nasa pitumpong (70) households o kabahayan sa bayan ng Mangaldan mula sa lokal na pamahalaan ng bayan noong araw ng Lunes, ika-22 ng Mayo.
Partikular na nabigyan ng tulong na ito ang mga residente sa Brgy. Guesang kung saan sampung jetmatic pumps o Poso ang naipamahagi na makakapagbenepisyo sa nabanggit na bilang ng kabahayan.
Pinangunahan ang pamamahagi nito ng alkalde ng bayan sa tulong ng Community Affairs Office (CAO).

Samantala, pinaalalahanan ng ahensya ang mga nais magkaroon ng pamalit sa mga sirang jetmatic pumps ay maaaring makipag- ugnayan lamang sa kinatawan ng CAO na si Benhur Basallo.
Ihanda lamang a petition letter mula gayundin ang larawan na nagpapatunay na luma na ang kanilang jetmatic pumps. |ifmnews
Facebook Comments