Libreng pagpaparehistro ng birth, marriage at death certificates, isasagawa bukas sa Makati

Maghahandog ang lokal na pamahalaan ng Makati ng libreng registration para sa mga wala pang records ng birth, marriage o death certificates ng kamag-anak.

Ang free registration na ito ay bunsod na rin sa selebrasyon ng Civil Registration Month.

Gagawin ang free birth, marriage, death at certificate of no record mula February 26 hanggang 28, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.


Magtungo lamang ang mga residente sa City Civil Registration Office (CCRO), 3rd floor ng Makati City Hall I building.

Magdala lamang ng isang valid Government ID sa at i-fill up ang Verification Request Form.

Kung iba naman ang papupuntahin para sa pagpaparehistro, mangyari lamang na magpadala ng authorization letter kalakip ang photocopies ng kanilang mga ids ng parehong document owner at ng representative.

 

Facebook Comments