LIBRENG PANAMBAK, IHAHATID SA MGA BARANGAY AT SITIO SA DAGUPAN CITY

Hatid sa mga barangay at sitio sa Dagupan City ang libreng panambak o backfill sa ilalim ng programang Flood Mitigation Project, Operation Sitio ng administrasyon ngayon.
May halong buhangin at graba ang libreng panambak na nakatakdang matanggap lalo ng ng mga flood-prone at low-lying areas sa mga sitio at barangay.
Katuwang ng lokal ng pamahalaan ng Dagupan ang Department of Public Works and Highways, CDRRMC, City Engineering Office, at Liga ng mga Barangay ang pagsasagawa ng mga proyektong ito na naglalayong maibsan ang pagbaha sa mga bahaing lugar.

Samantala, para naman sa mga residenteng gustong magkaroon ng libreng panambak ay maaari silang magpadala ng request sa City Engineering Office upang ma-schedule ang pagdeliver ng backfill. |ifmnews
Facebook Comments