Libreng prepaid home Wi-Fi, maagang pa-birthday sa isa sa mga winner ng ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’

39

Nagpapatuloy pa rin ang paghahatid ng premyo at saya ng mga anchor ng LBMS o Laughter is the Best Magazine Show sa mga nanalo sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo.

Isa sa mga masuwerteng nabunot sa raffle draw si Renselle Manlangit ng Mandaluyong City na magse-celebrate rin ng kaniyang kaarawan bukas.


Ayon kay Manlangit, nagpapasalamat siya sa DZXL-Radyo Trabaho at LBMS dahil bukod sa maagang pa-birthday na ito sa kaniya ay makakatulong pa ito sa pagho-homeschool ng kaniyang anak.

Masaya ring tinanggap ni Carl Reymundo ng Caloocan City ang napanalunan niyang libreng prepaid home Wi-Fi.

Aniya, may mga pagkakataon na hindi siya nakakapasok sa kanilang online class dahil mabagal ang kaniyang mobile data.

Pero ngayon na may sarili na siyang Wi-Fi ay lagi na siyang magiging connected sa internet.




Sa ngayon, 16 na mga masusugid na tagapakinig na ang nakatanggap ng libreng Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho.

Ngayon hapon naman ay madadagdagan pa ito dahil sunod na pupuntahan ng LBMS Team sina Josephine Tapon ng Tondo, Manila at Estela Clarin ng Valenzuela City.

Facebook Comments