
Pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga hakbang para maibsan ang epekto ng inaasahang pagmahal ng langis, kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga opsyon ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga bus sa pangunahing ruta at pagpapanatili ng mababang pamasahe sa pampublikong transportasyon upang hindi mabigatan ang mga commuter.
Tinitingnan din ng gobyerno ang posibilidad ng karagdagang ayuda para sa mga manggagawa na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Samantala, nakahanda nang ipatupad ang fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon, agrikultura at pangingisda kapag umabot sa $80 kada bariles ang presyo ng langis sa world market.
Facebook Comments










