Libreng sakay handog para sa mga commuters ng PITX

Magkakaloob ng libreng sakay ang ilang pribadong kumpanya para sa mga commuter ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Una rito, nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr), Megawide Corporate Foundation Inc., at Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP) kahapon (ika-26 ng Enero 2019) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na magbibigay ng “free bus ride” para sa mga commuter ng PITX.

Sa ilalim ng MOA, magbibigay ng libreng sakay sa anim na bus sa mga ruta ng PITX patungong Lawton, Baclaran at Pasay at pabalik.


Bukod dito, magbibigay rin ng libreng sakay ang mga bus sa mga ruta ng Monumento patungong EDSA, Baclaran at PITX at pabalik.

Ang inisyatibong ito ay naaayon sa direktiba ni DOTr Secretary Arthur Tugade na makipagtulungan sa pribadong sektor upang mabigyan ng alternatibong masasakyan ang mga commuter na papasok at palabas ng PITX.

Facebook Comments