LIBRENG SAKAY NG LTFRB SA ILOCOS REGION, MAGTATAPOS NA SA LINGGO

43
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 1 na magtatapos na ang libreng sakay sa mga public utility jeepneys at bus sa darating na ika-3 ng Hulyo o sa araw ng linggo.
Sa huling tala ng tanggapan umaabot na sa higit 3. 7 milyon health workers at apor ang naserbisyuhan ng naturang programa.
Nagsimula ang libreng sakay sa rehiyon noong ika-4 ng Mayo na malaking tulong umano ayon sa mga residente ng rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin.

Umabot sa 496 na units sa 32 ruta ang nagbigay serbisyo sa mga residente ng libreng sakay. | ifmnews
Facebook Comments