Libreng sakay para sa health workers ng DOTr, nagdagdag pa ng ruta

51

Umabot na sa 18 ruta ang sineserbisyuhan ng libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) para sa Health Workers na apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Mula sa na unang 16 na ruta ay nadagdagan ito ng dalawa na ang ruta ay sa North East Area bilang ROUTE 17


Dadaan ito sa SM City SJDM, North Caloocan Doctors Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial (Caloocan), Bagong Silang Market, National Center for Mental Health (Camarin), Caloocan City North Medical Center, Almar Market, Novaliches Market/Queensberry Hospital, Bernardino General Hospital II, at SM Fairview/Commonwealth Hospital & MC

Ang pag 18th route naman ay papuntang South West Area na dadaan sa:

  • Robinsons Place General Trias/Divine Grace Medical Center
  • San Pedro Calungsod Medical Center (Kawit)
  • Binakayan Hospital and Medical Center.
  • Dominic Medical Center (Bacoor)
  • Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX
  • Baclaran Market

Ang mga bus ay magsasakay, at magbababa ng pasahero sa mga oras ng: 5:00AM, 7:00AM, 1:00PM, 3:00PM, 5:00PM, at 7:00PM.

Facebook Comments