Libreng sakay para sa mga estudyante, ibabalik na rin!

39

Ibabalik na ng pamunuan ng LRT-2 ang libreng sakay para sa mga estudyante simula sa Lunes Oktubre 14.

 

Ito ay kasunod ng pansamantalang pagsususpinde dito noong huwebes dahil sa nangyaring mga delay sa operasyon ng nasabing tren.


 

Magiging libre na ulit ang pagsakay ng mga estudyante mula alas 5 hanggang alas 6 ng umaga at mula alas 3 hanggang 4:30 ng hapon.

 

Kasunod nito, inanunsyo din ng pamunuan na magsisimula ang operasyon ng LRT 2 sa istasyon ng Cubao at Recto mula alas 5 ng umaga.

 

Samantala, sa ganap na 8:30 ng gabi naman aalis ang huling tren sa Cubao at alas 9 ng gabi sa istasyon ng Recto.

 

Matatandaang pansamantalang isinarado ng Light Rail Transit Authority ang istasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas matapos ang nangyaring pagkasunog ng power rectifier.

Facebook Comments

From Advertisers