Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig hanggang Disyembre 2022; libreng sakay naman para sa mga estudyante sa mga tren, magsisimula sa Agosto

50

Pinalawig ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang sa Disymebre ngayong taon.

Ito ay aprubahan ni Marcos ang isang bahagi ng memorandum ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kinonsidera ang pondo para sa pagpapalawig ng libreng sakay sa bus.

Layon ng libreng sakay na bawasan ang pasanin ng pamilyang Pilipino sa tumataas na gastusin at bigyan ng pagkakataon na makapag-ipon.


Kaugnay nito, mag-aalok na rin ng libreng sakay ang MRT-3, LRT-2 at PNR sa mga estudyante na magsisimula sa Agosto 22 at magtatagal hanggang Nobyembre 4, 2022.

Kasunod na rin ito ng pagbabalik ng face-to-face classes matapos ipatigil ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, hindi naman pinalawig ng DOTr ang libreng sakay para sa lahat ng mananakay ng MRT-3 na ipinatupad ng Duterte administration dahil malaki na ang subsidiya na inilalaan para sa naturang railway.



Facebook Comments