LIBRENG SCHOOL SUPPLIES KAPALIT NG PAKIKILAHOK SA COASTAL CLEAN UP DRIVE, ISASAGAWA SA ALAMINOS CITY

Nakatakdang isagawa sa Brgy.Victoria, Alaminos City ang Coastal Clean Up Drive sa mga komunidad kapalit ang libreng school supplies para sa mga mag-aaral na makikilahok.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Sangguniang Kabataan sa lugar upang makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga baybayin at makatulong sa mga mag-aaral ngayong school year.
Bukas para sa mga mag boboluntaryong mag-aaral na nasa kolehiyo at Grade 10-12 ang coastal cleanup drive kung saan tatanggap ang mga ito ng school supplies at libreng paying para sa mga unang magpapalista na kalahok.
Limitado sa 150 benepisyaryo ang aktibidad na isasagawa sa June 14. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments