Magbibigay ng libreng serbisyong legal at konsultasyon ang Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City, Pangasinan, sa pakikipagtulungan ng Lyceum-Northwestern University (LNU) College of Law sa pamamagitan ng Clinical Legal Education Program, sa mga mamamayang nangangailangan ng gabay at tulong sa mga usaping legal.
Isasagawa ang Free Legal Aid and Consultation sa darating na Oktubre 18, 2026, mula alas-8:10 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Arenas-Resuello Sports Complex sa San Carlos City.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makakuha ng libreng konsultasyong legal at gabay sa kanilang mga kinakaharap na suliraning may kaugnayan sa batas.
Inaanyayahan ang lahat ng San Carlenian na nangangailangan ng tulong legal na makiisa at samantalahin ang naturang serbisyo.
Magsisimula ang programa sa rehistrasyon ganap na alas-7:30 ng umaga, bago ang opisyal na pagsisimula ng mga aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










