LIBRENG SWAB TEST, IBIBIGAY SA MGA RESIDENTE SA ASINGAN, PANGASINAN

12

ASINGAN, PANGASINAN – Magbibigay ng libreng swab test ang lokal na pamahalaan ng Asingan para sa mga residenteng nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

Ang mga nakararamdam ng lagnat, ubo, sipon, pagkawala ng pang-amoy o panlasa, sore throat, sakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, panghihina, o rashes o di kaya ay naging close contact ng isang positibong indibidwal ay mabibiyayaan nito ayon na rin sa anunsyo ng LGU nito lamang Martes, Hunyo 8.


Pakiusap na lamang ng sangguniang bayan na kung sakali mang may early covid symptoms nang nararamdaman ay agad nang magtungo sa Rural Health Unit nang maipa-swab test na at agarang maagapan laban sa deadly virus.

Samantala, nagpapatuloy naman ang vaccination roll-out sa buong munisipalidad kung saan sa huling taya ay higit walong raan na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments