Umarangkada na ang libreng Theoretical Driving Course Seminar ng Land Transportation Office Region 1 sa Pangasinan na parte ng Lab for All program ng pamahalaan upang magbigay serbisyo publiko.
Ginanap ang dalawang araw na seminar sa bayan ng Bayambang na nilahukan ng higit 200 katao.
Ayon kay LTO Region 1 Regional Director Danny Martinez, layunin nito na mapababa ang bilang ng mga naitatalang road crashes sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga nagnanais magkalisensya.
Sinabi naman ni LTO San Carlos District Office, Chief Aileen Peteros, mahalaga umano ang pagdaan sa tamang proseso ng mga nagnanais kumuha ng Lisensya upang hindi mapahamak at nang magkaroon ng kamalayan sa lansangan.
Samantala, aarangkada naman sa February 6 ang Libreng Sakay sa San Carlos City na parte pa rin ng programa ng Pamahalaan upang matulungan ang mga mananakay at tsuper. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨