Libreng ticket sa Gensan Gym para sa laban ni Pacman, ipamimigay Gensan Sports Division

245

General Santos City – Nakatakdang mamimigay ng ticket ang Gensan Sports Division sa mamamayan ng Gensan para sa Pay per view sa Gensan Gym sa laban ni Sen. Manny Pacman Pacquaio at Jeff Horn sa Brisbane Australia ngayong Linggo.

Sinabi ni Lady Manalo, head ng Gensan Sports Division na magkakaroon pa sila ng meeting kasama ng Integrated Barangay Affairs para pag-usapan ang proseso ng pagbigay ng mga tickets sa mamayan ng Gensan na gustong makapanood ng laban sa loob ng Gensan Gym.

Ito ay para na rin ma control ang bilang ng papasok sa Gensan Gym na may capacity na 5,000 individuals.


Samantala, excited na ang mga taga-Gensan na muling saksihan ang laban ng kanilang idolo lalo pa’t kanilang inaasahan na ibalik ni Pacman ang kanyang knockout power sa kanyang kalaban.

Facebook Comments