Libreng WiFi, malaking tulong sa mga nanalo sa “WiFi mo sagot ng Radyo Trabaho” promo ng DZXL Radyo Trabaho

32

Lubos ang pasasalamat ng mga nanalo sa ” WiFi mo sagot ng Radyo Trabaho ” promo.

Personal na pinuntahan ng mga anchor ng Laughter is the Best Magazine Show ang mga nanalo para sa week 1 at week 2 draw para ipamahagi ang kanilang premyo.

Ayon kay Rose Marie Gumbo ng Barangay Cembo, Makati City, nang mapakinggan niya na mamimigay ng libreng WiFi ang DZXL Radyo Trabaho ay agad siyang tumawag para makasali.

Nagpapasalamat si Gumbo dahil isa siya sa mga nabunot sa raffle dahil malaking tulong ang WiFi sa pag-aaral ng kaniyang anak.

Abot langit din ang ngiti ni Nora Gatchalian ng Muntinlupa City nang matanggap niya ang libreng WiFi.

Magagamit din aniya ng kaniyang apo ang WiFi para sa online class nito.

Samantala, sunod namang pupuntahan ng LBMS team si Rocel Padilla Bergado ng Sta. Ana Manila at Klyde Raetrell Nacua ng Valenzuela City.




Maaari namang sumali pa ang mga nais na magkaroon ng WiFi sa pamamagitan ng kanilang pagtawag sa DZXL hotline 882 2376 o pagcomment sa Facebook page ng RMN DZXL 558 Manila.

Facebook Comments