Libu-libo pang lumang pera, hindi pa naibabalik sa mga bangko

759

Manila, Philippines – Libu-libo pang lumang pera ang hindi pa naibabalik sa mga bangko.

Ito ay sa kabila ng deadline kahapon ng Bangko Sentral na Pilipinas (BSP) sa pagpapalit ng Peso Bills.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pitong porsyento pa ng lumang perang papel ang nasa sirkulasyon.


Sinabi pa ni BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) Deputy Governor Diwa Gunigundo na sapat ang naibigay nilang panahon para mapapalitan ang mga lumang pera.

Simula ngayong araw ang mga salaping naimprenta mula 2010 O ang mga New Generation Currency na lamang ang tatanggapin habang wala nang perang papel.

Facebook Comments