Libu-libong pulis na nagbigay seguridad sa Traslacion, makakatanggap ng medalya

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang lahat ng nagpartisipasyon sa pista ng Poong Itim na Nazareno kabilang na ang mga pulis.

Ayon kay Eleazar naging matagumpay ang Traslacion dahil walang namatay at walang nangyaring pag-atake ng teroristang grupo.

Samantala, matapos ang ipinamalas na sakripisyo at didikasyon makakatanggap ng medalya ang mga pulis na tumupad sa kanilang tungkulin sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.


Sa huli naniniwala si Eleazar na dahil sa dasal at koordinasyon kaya at walang namatay at naging matagumpay ang pagdiriwang ng pista ng Poong Itim na Nazareno.

Facebook Comments