Libu-libong trabaho, alok ng employment info system ng DOLE

83

Naghahanap ng trabaho?

Tingnan ang Top 20 job vacancies sa bansa mula sa Philippine Employment Service Office (PESO) Employment System na inilunsad ng Department of Labor Employment – Bureau of Local Employment (DOLE-BLE).


Ayon sa DOLE, ang Top 20 Vacancies mula January 8 hanggang 14 ay ang mga sumusunod:

Clerical aide (1,800), office clerk (767), domestic helper (710), call center agent (602), at production machine operator (350), service crew (217), production worker (143), laborer (102), technical support staff (100), at waiter (60).

Mayroon ding trabaho para sa production helper (52), waitress (50), dispatch rider (50), sales clerk (49), and warehouse man (47), sales associate professional (45), merchandiser (42), domestic cleaner (40), mason (35), at cashier (32).

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang PESO.




Maaari din silang bumisita sa Trabaho Negosyo Kabuhayan Website ng DOLE para sa iba pang job opportunities.

Ang TNK webpage ay online platform na layong magbigay ng employment opportunities sa lahat ng uri ng jobseekers kabilang ang mga returning OFWs, K-12 graduates, persons with disabilities, at senior citizens.

Facebook Comments