Lider ng Islamic State sa Afghanistan, patay sa pag-atake ng militar

81

Afghanistan – Kumpirmadong patay ang lider ng Islamic State sa Afghanistan na si Abdul Hasib.

Kasunod na rin ito ng ikinasang pag-atake ng pinagsanib na pwersa ng Afghanistan at U.S. forces sa bayan ng Nangarhar.


Bukod sa nasabing ISIS leader, napatay din ang tatlumput limang kasamahan nito.

Noong nakaraang taon, itinalaga si Hasib bilang ISIS leader kapalit ni Hafiz Saeed Khan na nasawi sa US drone strike.

Ayon sa US military, ang pagkakapatay kay Hasib ay malaking tagumpay para pulbusin ang ISIS.

DZXL558




Facebook Comments