Lider ng North Korea, nagbanta ng mas maraming pang missile na dadaan Japan

Japan – Mas marami pa umanong missile attack na dadaan sa Japan ang North Korea.

Ito ang banta ni NoKor leader Kim Jong-Un kasunod ng pahayag ng Amerika ng maagang pananakop.

Samantala, muli namang kinondena ng United Nations Security Council ang hakbang na ginawa ng capital ng North Korea na Pyongyang at tinawag itong “outrageous.”


Martes nang nagpalipad ang NoKor ng Hwasong-12 intermediate missile na dumaan sa hilagang bahagi ng Hokkaido sa Japan, na nagdulot ng alarma sa nasabing bansa.

Facebook Comments