Lider ng Prevendido Drug Group, protektado umano ng isang grupo

250

Western Visayas – Protektado umano ng isang grupo ang top drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office Region 6 (PRO-6) Director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag.


Ngunit tumanggi si Binag na tukuyin ang nasabing grupo pero una nang lumabas na umano’y mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nagbibigay proteksiyon sa lider ng Prevendido Drug Group.

Kasabay nito, inihayag ng PRO-6 director na pasok na si Prevendido sa mga itinuturing na national level drug personality.

Nangangahulugan ito ayon kay Binag na ang nasabing personalidad ay nangungunang drug personality sa rehiyon.

Tiniyak naman ng PRO-6 na patuloy itong magsisikap upang mahuli si Prevendido.



Facebook Comments