Liderato ng Mababang Kapulungan, nananawagan ng katarungan para sa pinaslang na kawani ng Kamara

Ikinalungkot at ikinagalit ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpaslang kay House Ways and Means Committee technical staff Director Mauricio “Morrie” Pulhin sa Quezon City na pinagbabaril ng mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Kaugnay nito ay hiniling ni Romualdez sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang law enforcement agency na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang may sala at matiyak na maibibigay ang hustisya sa biktima.

Pinuri ni Romualdez ang dedikasyon sa trabaho, professionalisim, at integridad ni Pulhin na matagal na ng nasa serbisyo-publiko.

Nakikiisa rin sa pagkondena sa krimen at panawagan para sa hustisya si Ways and Means Committee Chairman Rep. Joey Sarte Salceda.

Nakagugulat at nakababahala para kay Salceda ang lakas ng loob ng mga gumawa ng krimen sa harap mismo ng pamilya ng biktima at sa loob ng isang lugar na sarado sa publiko at may nakalatag ng seguridad.

Facebook Comments