Liderato ng PDP Laban, itinanggi na mayroon itong Mindanao Council

51

Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni Senate President Koko Pimentel na siya ring Pangulo ng PDP Laban na walang Mindanao council ang kanilang partido.

Tugon ito ni Pimentel sa report na siya ay pinapadeklarang persona non grata ng PDP Laban Mindanao Council.

Sa tingin ni Pimentel, may gumagamit lang sa pangalan ng PDP Laban na hindi naman nila mga totoong miyembro.

Ayon kay Pimentel, dahil sa nabanggit na paggamit sa pangalan ng PDP Laban ay lalo lamang lumalakas ang kanilang partido.

Payo ni Pimentel sa mga nais magpabagsak sa kanila, bumuo na lang ng sariling partido at gawin nilang plataporma na ideklarang persona non grata ang lahat ng kanilang mapagtripan.

Facebook Comments