Liderato ng Senado, kinalampag na rin ang mga awtoridad sa mabilis na pagresolba sa kaso ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid

72

Mismong ang liderato ng Senado ay pinamamadali na ang mga awtoridad sa pagresolba sa kaso ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat na mahuli at malagay sa kulungan ang mga pumaslang sa batikang broadcaster na si Lapid.

Aniya, sagrado ang buhay ng tao at walang sinumang maaring kumitil dahil mananagot sila sa batas.


Kasabay nito, nananawagan din ang senador sa mga awtoridad sa NBI at PNP na bigyan ng hustisya ang pamilya Mabasa at dapat nang mahuli ang mga salarin.

Facebook Comments