Liderato ng Senado, kumbinsidong may basehan ang pagbasura sa impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Senate President Koko Pimentel ang pagbasura ng House justice committee sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrido Duterte dahil mayorya ng mga kongresista ay kaalyado ng Duterte administration.

Ayon kay Pimentel, dapat tandaan na ang impeachment ay isang political process.

Gayunmnan, buo ang paniniwala ni Pimentel na may naging ligal na batayan ang pagbasura sa nabanggit na impeachment complaint laban sa pangulo at dapat itong irespeto.


DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments