Liderato ng Senado, may mensahe ng pasasalamat kay dating Prime Minister Shinzo Abe

61

Naawa si Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri sa sinapit ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe na namatay makaraang barilin sa Japan.

Diin ni Zubiri, napakabait ni Abe sa Pilipinas at ang dami nitong naibigay na proyekto sa atin sa pamamagitan ng mga grants at soft loans ng JICA o Japan International Cooperation Agency.

Ayon kay Zubiri, napakaraming Build Build Build projects ang itinayo at itinatayo ngayon dahil sa tulong ni Abe.


Kaya naman dalangin ni Zubiri na pagpalain ng Diyos si Abe at mapayapang mahimlay ang kaluluwa nito.

Lubos ang pasasalamat ni Zubiri sa lahat ng suporta ni Abe sa Pilipinas.

Facebook Comments