Life size insects na gawa sa kawayan, ipinagmamalaki ngayon ng isang Japanese artist

29

Japan – Isang lalaking artist ang hinahangaan ngayon dahil sa mga kakaiba nitong creations.

Naisipan ni Japanese artist Noriyuki Saitoh na gawing mga modelo ng kaniyang obra ang iba’t-ibang uri ng insekto kung saan ginagawa niya ito ng life size replica na gawa sa kawayan.

Hindi naman nahirapan si Saitoh na gumawa ng mga model insects na mas lalo siyang kinabiliban dahil mula sa katawan ng mga insekto hanggang sa mga pakpak nito ay yari sa mga pinanipis na kawayan.

Makikita naman ang mga gawa ni saitoh sa mismong website niya at social media pero wala naman siyang planong ibenta ang mga ito.

Facebook Comments