Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, nagpahayag ng pagsuporta sa gagawing Grand Launching ng Hospital on Wheels ni Dr. Jim Sanchez

175

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP sa gagawing Grand Launching ng Hospital on Wheels ni Dr. Jim Sanchez na gaganapin sa June 4 sa Quezon City Circle.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez, magdodonate ng isang solar airconed Bus ang Star 8 Solar na gagamitin ng Hospital on Wheels para sa mga miyembro ng transport sector, media at bukas din sa publiko na nais magpagamot at mag opera ng kanilang mga bukol sa katawan.


Paliwanag ni Marquez malaking tulong ang gagawing Medical, Surgical, dental mission at bloodletting ng Hospital on Wheels ni Dr. Jim Sanchez para sa mga mahihirap na Filipino na hindi kayang magpapaopera ng kani-kanilang mga bukol sa katawan.

Giit ni Marquez bago ang MOA signing sapagitan ng Hospital on Wheels at LTOP ay magkaroon muna ng motorcade na pangungunahan ng LTOP mula sa Mall of Asia hanggang QC Circle.

DZXL558

Facebook Comments