LIGTAS NA | 14-anyos na ginagamit sa prostitusyon, nasagip sa Maynila

Manila, Philippines – Labing apat na menor de edad ang nasagip ng mga otoridad na ginagamit sa prostitusyon sa magkahiwalay na entrapment operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa nasabing operasyon, apat katao na itinuturong nambubugaw sa mga batang babae ang nadakip.

Unang sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) anti-human trafficking division ang isang motel kung saan dinala ang 8 biktimang sakay ng isang van.


Naaresto rito si alyas Loren, 28-anyos, na nagturo naman sa dalawa pa niyang kasamahan na sina alyas Prince at Ruby.

Samantala, nahuli ng mga operatiba si alyas Angel, 18-anyos, sa hiwalay na operasyon sa isang hotel kung saan nasagip naman dito ang 6 na menor de edad.

Dinala naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima para pansamantalang alagaan bago iuwi sa kani-kanilang mga magulang.

Facebook Comments