LIGTAS NA | Dalawang pulis na babae na bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya na

54

Sulu – Pinalaya na ang dalawa pulis na babae na bihag ng Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon sa Western Mindanao PNP, pinalaya si PO1 Dinah Gumahad noong isang araw habang si PO3 Bennie Rose Alvarez, ay pinakawalan naman kahapon ng umaga sa Barangay Samak sa bayan ng Talipao.
Hindi naman malaman kung may ibinayad na ransom at kung magkano kapalit ng paglaya ng mga pulis.
Wala din karagdagang detalyeng inilabas ang PNP sa pagpapalaya sa dalawang pulis na dinukot noong April 29 sa Patikul.

Facebook Comments