LIGTAS NA | Limang batang magkakapatid, nasagip matapos abandonahin ng kanilang ina sa Negros Occidental

21

Negros Occidental – Nasagip ng Talisay City Social Welfare and Development (CSWD) ang limang batang magkakapatid na mag-iisang buwan nang inabandona ng kanilang ina sa Barangay Linao, Negros Occidental.

Ang mga bata ay may edad pito, apat, tatlo, dalawa at isa.

Ayon kay Felipa Solana, head, DSWD Talisay, Latero o taga-ayos ng bubong ang ama ng mga bata at palagi itong wala sa kanilang bahay

Aniya, ipina-check-up nila ang magkakapatid kung saan napag-alaman na tatlo sa mga ito ay malnourished, may diarrhea ang isa at ang isa ay may pneumonia.

Giit ni Solana, labis na nahirapan ang mga bata sa kanilang dinanas pero hindi na nila hinahanap ang kanilang mga magulang.

Sa kabila ng nangyari, tiniyak ng CSWD na maaari pa ring bisitahin ng ama ng mga bata.

Facebook Comments