Lima hanggang pito pang opisyal ng Aquino administration, idinawit ni pork barrel queen Janet Napoles sa kontrobersyal na PDAF scam

Manila, Philippines – Umaabot sa lima hanggang pitong mga dating opisyal ng Aquino Administration ang idinadawit ngayon ni pork barrel scam Queen Janet Lim Napoles sa kontrobersyal na PDAF scam.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nakahanda ang DOJ na imbestigahan ang reklamong plunder na ihahain ng kampo ni Napoles.

Kabilang sa mga binanggit ni Atty. Stephen David, legal counsel ni Napoles, kay Aguirre ang mga pangalan nila Sen. Franklin Drilon, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Leila De Lima, dating DBM Sec. Butch Abad.


Samantala, may iba pang mga pangalan ang isiniwalat ng kampo ni Napoles pero hindi na nito matandaan kung sino-sino ang mga ito.

Sa ngayon kinukumpleto pa ng kampo ni Napoles ang mga dokumento at ebidensya para sa ihahaing kaukulang reklamo.
DZXL558

Facebook Comments