Lima katao patay sa Search Warrant operation ng Cotabato city Police

Lima katao ang nasawi sa dalawang araw na One Time Bigtime Search Warrant operation laban sa droga at baril ng Cotabato City Police Office, City Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Col.Rolly Octavio kasama ang PDEA-ARMM, CIDG ,at 5th Special Forces nitong weekend. Noong sabado ng madaling araw ay 25 Search Warrant ang kanilang inimplement sa tatlong mga lugar sa AOR ng pp4 kung saan patay ang isang barangay kagawad ng Mother Kalanganan nasi Sadat Ayunan makaraang manlaban diumano sa mga raiding team matapos isilbi ang search warrant, nakuha din daw sa kanyang bahay ang baril, bala at mga shabu.Tatlo pa katao ang nahuli sa barangay bagus dos na nakuhanan din ng mga shabu at baril… Kahapon naman ng umaga ay nagsagawa rin sila ng Search Warrant operation sa mga target sa Purok Masigay barangay Poblacion dos kung saan apat ang nasawi makaraang manlaban daw sa mga pulis, habang dalawa ang nahuli at isa ang nakatakas. Kinilala ang mga target sa raid na nanlaban at napatay ay sina Andon Guiomla, Saldi Saptula, Datukon Mamadra at Ariel Cruz habang nakasibat si Torex Mamadra.Sa ngayon ay palalakasin pa ng City PNP ang kanilang kampanya laban sa mga sangkot ng kalakaan ng droga sa lungsod na hindi umano magdadalawang isip si Col.Octavio na magsagawa ng raid sa mga taong hindi parin nagbabago.

Facebook Comments