
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na limang Chinese People’s Liberation Army Navy vessel ang kanilang na-monitor sa katatapos lamang na Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan sa Pilipinas at Estado Unidos sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, namataan ang mga barkong pandigma ng China sa bisinidad kung saan isinagawa ang MCA.
Aniya, tila nag-observe lamang ang mga ito.
Agad din namang nag-radio challenge ang barko ng Pilipinas.
Paliwanag ni Trinidad, ginagawa nila ito sa mga foreign warship na pumapasok sa ating exclusive economic zone.
Nauna nang iniulat ng AFP na matagumpay ang unang MCA ngayong taon.
Kabilang sa lumahok dito ang aircraft carrier ng Estados Unidos.