Limang city councilors ng Iloilo, sumailalim sa drug test upang pawiin ang pangdududa ng publiko na mga drug users ang mga city officials

35

Iloilo, Philippines – Sumailalim sa drugtest kahapon ang limang city councilors ng lungsod ng Iloilo bilang tugon sa hamon ni Councilor Plaridel Nava.

Ang mga ito ay sina Councilor Ely Estante, Jay Treñas, Love-Love Baronda, Inday Lee Zulueta Salazar , at Kagawad Reyland Hervias.

Ayon kay Kagawad Ely Estante, ginawa nila ang naturang hakbang upang ipakita sa mga mamamayan ng lungsod na hindi drug users ang mga city officials.

Binigyang diin ni Estante na maraming mamamayan ang nagdududa sa mga opisyales ng lungsod ang gumagamit ng droga kung kaya’t nagdesisyon silang tugunan ang hamon sa kanila ni Nava upang mawala ang pagdududa ng publiko.

Sinabi ni Estante na naging negatibo ang resulta ng kanilang drug test.

Nation

Facebook Comments