Limang construction worker, dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu

35

Patikul, Sulu – Limang construction worker ang dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni PNP Suli Provincial Director Sr./Supt. Mario Buyuccan.

Sa text message na ipinadala ni Buyuccan sa DZXL – RMN Manila, natutulog sa kanilang pinagta-trabahuhan sa kawpang elementary school sports complex ang mga biktima nang tangayin sila ng mga bandido.

Kinilala ang mga bihag na sina Edmund Ramos, Jayson Baylosis, Joel Adanza at Felimon Cordero.

Habang nakatakas ang isa sa mga kasamahan nito na si Larry Velasquez.

Ayon sa kaanak ng mga biktima, humihingi ng tag-iisang milyong pisong ransom kada bihag ang ASG.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng militar at pulisya para mailigtas ang iba pang mga bihag.

Facebook Comments