Aabot sa dalawampu’t dalawang establisyimento sa San Carlos City at Malasiqui ang ininspeksyon sa pagpapatupad ng Fair Trade Laws ng Department of Trade and Industry Pangasinan.
Sa naturang bilang, limang pwesto ang nabigyan ng Notice Of Violation sa RA 4109 o ang Product Standards Law, PD No. 1562, at RA 7394 o ang Consumer Act at kinakailangang maisaayos ng mga may ari.
Ininspeksyon sa mga pwesto ang mga ibinebentang appliances, lighting and wiring devices, piyesang sasakyan at construction materials.
Ipinaalala sa mga establisyemento ang paglalagay ng karampatang price tag sa mga produkto bilang pagpapahalaga sa consumer rights. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments