Limang hinihinalaang tulak sa iligal na droga kabilang ang isang matandang lalaki, arestado sa Marikina City

39

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station ang limang hinihinalaang drug pusher kabilang ang isang matandang lalaki matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa 892 Bagong Silang St., Brgy. Parang, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Concepcion Jr., 51-anyos, Howard Tarun, 36-anyos, Emmanuel Jordan Palado 25-anyos, Cenon Abiog 62-anyos at Monalisa Sumiring, 37-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP), ang mga suspek ay nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station sa pamamagitan ng buy-bust operation.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 nag kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments