Limang indibidwal, arestado sa iligal na droga sa Baseco Compound

75

Arestado ang limang katao matapos ikasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) ang drugs buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nakilala ang mga naaresto na si Nasser Said na target ng operasyon at mga kasabwat na sina Jasmine Said, Lito Florentino, Imelda Palmida at Tessie Tuante.

Ikinasa ang operasyon sa may bahagi ng Blk. 9, Extension, Baseco Compound na sakop ng Brgy. 649.


Nakumpiska sa mga suspek ang sampung sachet ng shabu na may bigat ng halos 100 gramo at nagkakahalaga ng ₱680,000.00.

Nabatid na si Nasser ay ilang linggo rin tinutukan ng mga awtoridad kung saan nagtutulak ito ng iligal na droga sa buong Port Area Manila maging sa ilang bahagi ng Navotas City.

Facebook Comments