Limang katao, arestado sa iligal na sugal sa Pasay City

21

Kalaboso ang limang lalaki matapos maaktuhang nagsusugal sa loob ng sementeryo sa Pasay city.

Nakilala ang mga nadakip na sina Eduardo Arce, Crister Mengote, Ronald Jones, Mark Jayson Golez at Mark Cruz.


Nasakote ang lima sa ikinasang Oplan Galugad ng Pasay City Sub-Ststion 5 sa loob mismo ng Pasay City Public Cemetery sa may Don Carlos Revilla Street, Brgy. 148, Zone 16.

Huli sa akto ang lima na nagkakara-krus kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong pirasong barya na pang-hagis at perang pamusta na aabot sa P300.

Bukod sa pagsusugal, mahaharap din sila sa paglabag sa ipinapapatupad na minimum health protocols dahil ang iba sa kanila ay walang suot na face mask at wala na rin physical distancing.

Facebook Comments