Limang lalaki sa Pasay, arestado sa paglalaro ng cara y cruz sa loob ng sementeryo

Hinuli ng mga tauhan ng Pasay City ang limang lalaki sa Pasay matapos na maaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa loob ng sementeryo sa Barangay 148, Zone 16, Pasay City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ang mga naaresto ay sina Joel Coton, 39-anyos; Michael Arpon, 39-anyos; Willy Anasi, 40-anyos; Renz Villanueva, 31-anyos; at John Paul Celso, 37-anyos.

Nagsasagawa ang mga pulis sa Pasay Philippine National Police (PNP) ng anti-illegal gambling operation nang makita ang limang suspek sa loob ng Sgt. Mariano Public Cemetery, Sgt. Mariano Street, Brgy. 148, Zone 16, sa Pasay City na naglalaro ng cara y cruz.


Kaya naman agad inaresto ang mga ito, kung saan nakuha ang tatlong piraso ng one peso centavo coins na ginagamit bilang flippers at bet money.

Sa ngayon, nahaharap na sila sa kinauukulang kaso.

Facebook Comments